8Please respect copyright.PENANAjRlzbvgJSr
Hindi na makakilos si Chester.
Walang bumabalik na mensahe. Walang sinasagot na tawag. Ni isang sulyap man lang, hindi na niya makuha kay Kyla.
Araw-araw, pinupuntahan niya ang dati nitong tambayan. Binabantayan ang building kung saan ito nagtatrabaho. Lahat ng paraan, sinubukan na niyang gawin para muling maramdaman ang presensya ni Kyla. Ngunit parang multo na lang siya sa paligid nito—hindi na pinapansin, hindi na pinapahalagahan.
Nagmakaawa siya. Isinuko ang pride. “Kyla, kahit isang pagkakataon lang… kahit masaktan mo ako sa harap-harapan, ayos lang. Huwag mo lang akong balewalain.”
Pero hindi na siya pinakinggan.
Si Kyla, habang unti-unting nilulunod ng lungkot si Chester, ay nagsimulang itayo muli ang sarili niya. Muling nagbalik sa pagtutok sa karera. Dumalo sa mga workshop, tinanggap ang bagong proyekto, at nilubog ang sarili sa trabahong dati niyang kinasasabikan.
Pinuno niya ang kanyang mga araw—hindi para tumakas, kundi para muling mabuo.
“Hindi kita pinipili dahil ayokong maging babae sa gitna ng gulo,” sambit niya noon sa huling mensaheng ipinadala niya, bago tuluyang manahimik. “Mas pinili kong maging babae sa gitna ng sarili kong kapayapaan.”
ns216.73.216.206da2