7Please respect copyright.PENANAeEZbOxBjc6
Hindi man nila binigkas, malinaw ang direksyon ng lahat.
Araw-araw, parang may bago silang dahilan para magkita. Minsan simpleng kape lang, minsan biglaan lang ang pagdaan ni Chester para maghatid ng lunch. Minsan din naman, walang plano—magkakasabay lang magising, magka-text, at susunod na lang ay nasa motor na sila.
“Gusto mo sa tanay tayo? Parang maganda ang sunset doon,” alok ni Chester isang Sabado ng hapon.
“Ang layo no’n ah,” natatawang sagot ni Kyla habang sinusuot ang helmet.
“Lahat malapit pag gusto.”
At totoo nga. Wala pa silang isang buwan magkakilala, pero parang taon na ang pinagsamahan nila. Hindi dahil sa tagal, kundi sa bilis ng koneksyon. Parang may shortcut ang lahat kapag tama ang timpla ng tao sa buhay mo.
Sa likod ng motor, yakap ni Kyla si Chester. Mahigpit, pero hindi pilit. Habang tinatahak nila ang paliko-likong kalsada papuntang tanay, dinig nila ang lakas ng hangin at bugso ng tahimik na pananabik.
“Okay ka lang d’yan?” sigaw ni Chester sa hangin.
“Mm-hmm. Okay lang ako sa likod mo,” sagot ni Kyla, pabulong pero ramdam ang bigat ng mga salitang hindi pa niya kayang sabihin ng harapan.
At nang dumating sila sa spot, hindi man spectacular ang sunset—makulimlim at maambon pa nga—nagkasya silang magtagpo ang mga palad habang tahimik na nakatingin sa malayo.
Kinagabihan, habang papauwi, inabutan sila ng ulan.
Bigla, sabay silang napahinto sa waiting shed sa gilid ng daan. Tumutulo ang tubig mula sa buhok ni Kyla, at tumatawa si Chester habang hinahaplos ang pisngi niya para patuyuin.
“Sorry ha, dapat pala nagdala ako ng jacket mo.”
“Okay lang. Masaya naman ako.”
Tahimik. Malamig. Pero hindi ito nakakailang. Parang safe space nila ang ulan at gabi. Walang ibang tao, walang distractions. Sila lang.
Maya-maya, dahan-dahan lumapit si Chester. Walang sinabi. Walang tanong.
Nagtagpo ang mga labi nila—hindi halik na mapusok, kundi isang dampi lang. Isang smack na may tanong sa dulo:7Please respect copyright.PENANA8KkMs21LpV
“Pwede ba?”7Please respect copyright.PENANA6m4rTA0s3g
At sa paraan ng pagtanggap ni Kyla, sagot niya:7Please respect copyright.PENANABo7GiHdaux
“Oo.”
Hindi halik na puno ng init. Kundi halik na puno ng pangakong hindi pa nila alam kung mapapanindigan nila.
Pagkauwi, hindi sila makatulog agad. Tuloy pa rin ang tawagan, kahit halos alas-tres na ng madaling araw.
“Bakit mo ako hinalikan?” tanong ni Kyla, nakapikit habang nakahiga.
“Hindi ko alam,” bulong ni Chester. “Siguro dahil gusto kita. Siguro dahil ayokong pagsisihan na hindi ko sinubukang iparamdam sa’yo ‘yon.”
“Eh tayo na ba?”
Tahimik sa kabilang linya. Ilang segundong tila kinukwestyon ni Chester ang sarili.
“Pwede ba tayong wag muna mag-label?” sagot nito sa wakas. “Pero pwede ba kitang ituring na akin kahit wala pa ‘yong tawag?”
“Pwede,” sagot ni Kyla, kahit may kurot sa dibdib.
Kasi minsan, sa gitna ng kasiyahan, natututo tayong tanggapin ang kulang. Basta may konting "ako lang muna ha," sapat na. Kahit hindi sigurado kung may dulo ang lahat.
Lalo silang naging malapit. Lalo rin naging kumplikado.
Pumupunta si Chester sa birthday ng kapatid niya, nagdadala ng cake na siya mismo ang nagbayad. Pinapasyal siya nito sa mga lugar na hindi niya pa napupuntahan. Pinapakilala siya sa mga kaibigan sa motor club bilang si “Kyla lang, close friend.” Pero iba ang tinginan nila, at alam ng lahat kung sino ang palaging tinatambayan ni Chester.
“Ang sweet niyo ha,” kantiyaw ng isang kasama nila.
“Hindi kami,” mabilis na sagot ni Kyla.
Pero ang sulyap ni Chester sa kanya noon ay para bang nagsasabing:7Please respect copyright.PENANAElNNaTG92F
“Pero gusto ko rin. Gusto kitang maging tayo.”
May mga gabing magkausap sila habang natutulog. May mga umagang ang boses niya ang gising ni Kyla. Minsan din, sabay silang tatahimik, at ang katahimikan na ‘yon ay hindi awkward, kundi puno ng damdaming ayaw pang ipahayag.
Nang minsang sabihan siya ng kaibigan,7Please respect copyright.PENANAXTdfj6e7Je
“Ky, hindi ka ba natatakot sa ganito? Hindi niyo alam kung saan kayo pupunta.”
Tugon niya lang: “Takot ako. Pero mas takot akong hindi subukan.”
Kasi kahit alam niyang walang kasiguruhan, kahit alam niyang walang pormal na usapan, may isang bagay siyang hindi maipaliwanag:
Chester felt right.
Sa bawat paghatid, sa bawat pagtawag, sa bawat payong na hawak nila pareho habang bumubuhos ang ulan—kahit walang label, kahit walang pormalidad, parang may relasyon na silang tinatahak.
At doon, unti-unting nalulusaw ang guhit sa pagitan ng kaibigan at minamahal.
ns216.73.216.79da2