8Please respect copyright.PENANA43e998eosn
Pumasok ako sa opisina na parang may takip sa buong katawan ko. Para akong multo na pilit lumalakad sa gitna ng mga buhay—lahat sila nakatingin. Lahat sila tahimik.
Hindi ko kailangan ng balita para malaman.
Alam na nila.
Nang makarating ako sa desk ko, tila may alon ng bulungan sa likod ko.
“Siya nga ‘yun…”8Please respect copyright.PENANAOHyUDHS4vI
“Ayun, yung kabit…”8Please respect copyright.PENANA6Q5CIoLTNT
“Grabe, ‘di ko in-expect. Akala ko ang bait niya…”
Nanlamig ang batok ko. Hindi ko sila tiningnan. Hindi ko sila pinansin. Inayos ko lang ang gamit ko at pilit nagbukas ng laptop, kahit nanginginig ang mga daliri ko.
May tumapik sa balikat ko—si Denise, seatmate ko.
“Hey… okay ka lang?” mahinang tanong niya.
Tumango ako kahit hindi.
“Don’t listen to them, ha? Alam ko may kwento yan. Hindi ka ganyang tao.”
Ngumiti ako ng pilit. Gusto ko siyang yakapin pero ayoko ring umiyak sa gitna ng opisina.
Pagka-check ko ng email, nandoon ang memo:8Please respect copyright.PENANAA5kFKptvR4
“We would like to call your attention to recent online controversies involving your name. Please report to HR at 2 PM today for clarification.”
Parang binagsakan ako ng mundo.
Hindi lang social media. Hindi lang ang Facebook Live. Hindi lang si Evelyn. Pati trabaho ko—apektado na.
Pagkakita ko sa phone ko sa break time, may 37 missed calls. Karamihan galing kay Mama. May isang voicemail.
“Anak, ano ‘tong nababasa namin sa Facebook? Totoo ba ‘to? Tawagan mo kami. Umuwi ka. Kausapin mo kami. Hindi kami makatulog sa kahihiyan. Anong nangyayari sa anak namin?”
Napapikit ako. Tuluyan nang bumigay ang luha ko.
Wala na. Lahat na.
Pagharap ko sa HR, pinaupo ako ni Ma’am Liza. Kasama niya ang isa pang rep ng management.
“Hi Kyla. We're sorry this has to happen. We understand that this is your personal life, but the viral content is affecting the reputation of our company. Clients have seen your name circulating online. We’ve received messages asking about your character…”
Hindi ko na halos marinig ang kasunod.
Character.
Reputation.
Parang sinampal ako ng bawat salita. Parang binunot ang pinaghirapan kong pangalan—pinalitan ng iisang salita.
KABIT.
Binigyan nila ako ng temporary leave habang iniimbestigahan. Walang bayad. Walang kasiguruhan.
Pagkauwi ko ng gabi, nadatnan ko sina Mama’t Papa sa bahay ko. Umiiyak si Mama, habang si Papa—nakatingin lang sa akin, puno ng tanong at galit ang mga mata.
“Anak, bakit? Bakit ngayon lang namin nalaman? Ano’ng nangyari?” umiiyak na tanong ni Mama, si Virginia.
“Hindi ko po alam na may asawa siya…” garalgal kong sagot.
“Hindi ka ba nagtanong? Hindi mo ba kinilala? Akala ko matalino ka!” sigaw ni Papa, si Solomon, sabay hampas sa mesa.
“Mahal mo, ganun?” dagdag ni Mama. “Mahal mo kaya hindi mo na inalam kung sinong tinatapakan mo?”
Hinayaan ko silang magsalita. Alam kong kailangan ko itong harapin. Pero nung tumahimik na sila, saka ko lang binigkas ang totoo.
“Hindi ko po siya inagaw. Niloko niya rin ako. Hindi ko rin po alam…”
Napahagulgol si Mama.
Tahimik si Papa. Ngunit maya-maya, bigla siyang tumayo.
“Sobra na ‘tong panghuhusga sa anak natin. Kahit pa may kasalanan siya, hindi ganyan ang karapat-dapat na trato. Lalo na ‘yang Evelyn na ‘yan. Libel na ‘yang ginagawa niya!”
Napatingin ako sa kanya. “Pa…”
“Tatawagan ko ang abogado bukas. Hindi tayo uupo lang habang binabalahura ka sa buong internet. Kahit kasalanan mo pa—wala silang karapatang yurakan ka nang ganyan!”
Hindi ko inakala na sa gitna ng kahihiyan, mararamdaman ko pa rin ang pagtatanggol mula sa pamilya ko.
Lumipas ang mga araw, lalo lang dumami ang mga memes, screenshots, anonymous Facebook pages na may pangalan ko. Isang fake Twitter account ang ginawa para lang pagtawanan ang mga "hugot lines" daw ni kabit Kyla.
May nagtangkang i-hack ang account ko.
May nag-email na hindi ko kilala—isang lalaki.
"Hi Kyla. I know what happened. If you need someone to talk to, I’ve been through a similar thing. You’re not alone."
Pero hindi ko na sinagot.
Ayoko na.
Hindi ko na alam kung sino ang totoo.
Isang gabi, habang nakatambay ako sa bintana ng kwarto ko, bigla akong napangiti ng mapait. Iniisip ko:
Ganito pala ang “cancel culture.”
Walang tanong, walang proseso. Isang click lang, at buong mundo kalaban mo na.
Pero sa gitna ng lahat ng ‘yon, may dalawang bagay akong natutunan:
Una, hindi porket hindi mo alam, ay ligtas ka na. May mga kasalanan kang babalik kahit inosente kang pumasok.
At pangalawa—kapag sinimulan ka nang apakan ng mundo, ikaw na lang ang dapat tumindig.
Simula kinabukasan, pinadeactivate ko ang lahat ng social media accounts ko.8Please respect copyright.PENANAtiLlEveY9P
Nagbura ako ng apps.8Please respect copyright.PENANA9gpOYtqKyh
Nagbura ako ng screenshots.8Please respect copyright.PENANACwNq7ieinJ
Nagbura ako ng alaala.
Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pero alam ko, kailangan kong ayusin ang buhay ko.
Hindi dahil sa kanila.
Kundi dahil sa sarili ko.
At sa pangalan kong kailangang kong buuin muli—mula sa basag, mula sa putik, mula sa pagkakahiya.
ns216.73.216.79da2