6Please respect copyright.PENANA2ZqDrGIO2s
Para siguro mawala ang lahat ng agam-agam ko, inaya niya akong bumyahe. Hindi basta lakad—isang roadtrip papunta sa kanila, sa probinsya. "Ikaw lang ang pinasakay ko rito," bulong niya habang binubusalan ko ng helmet ang sarili ko. Halos hindi ko na narinig ‘yon dahil sa tili ng puso ko.
From Pampanga to Urbiztondo, Pangasinan. Mahaba, maaraw, pero masarap sa pakiramdam. Lalo na nang sumandal siya saglit habang huminto kami sa isang waiting shed, pinisil ang kamay ko, saka bumulong ng “Thank you for choosing me.”
Nang makarating kami sa kanila, ako ang unang nagulat sa reaksyon ng pamilya niya. Wala akong narinig na kahit simpleng "Hi" o "Hello." Tanging mga sulyap na puno ng pagtataka ang sinalubong sa akin—lalo na ng tatlong babae sa loob ng bahay. Mga kapatid daw niya.
“Si Kyla… girlfriend ko,” mahina pero diretso niyang sabi, sabay akbay sa’kin. Parang gusto ko sanang ngumiti pabalik, pero walang nag-abot ng ngiti sa akin maliban sa kanyang ama na noon ay tila nagkakabit ng banner sa may labas.
Birthday pala ng tatay niya. Hindi niya agad sinabi sa akin, pero nabanggit niya noong gabing nasa call kami na matagal na silang hindi nagkikita-kita nang buo bilang pamilya. Ngayon ko lang na-realize na hindi buo 'yung pagkikita.
Bilang paggalang, nagpaalam ako sa kanya. “Samahan mo ‘ko sa Puregold. Gusto kong bumili ng kaunting groceries. Hindi man lang ako nakapag-abot ng kahit ano.”
“Love, di mo na kailangan—”
“Gusto ko, please. Nahihiya ako. Tapos birthday pa ni Papa mo.”
Tumango siya. Hinawakan ulit kamay ko at sinabing, “You’re amazing.”
Sa Puregold, pinuno namin ang cart. Bigas. Canned goods. Gatas. Biskwit para sa mga bata (kahit wala naman akong nakitang bata sa bahay nila). Bumili rin ako ng cake at candles para sa birthday. Tapos dumiretso kami sa palengke—sampung kilo ng liempo. Pa-ihaw. Panimula ng kunwaring normal.
Pag-uwi, ako pa nga ang nagyayang magluto. Tumulong naman yung isa sa mga babae. Hindi na ako nagtanong kung ate o bunso. Basta sinabi lang ni Chester na kapatid niya, kaya umoo na lang ako.
Pero habang nag-iihaw kami ng liempo sa labas, napansin kong hindi niya ako masyadong dinidikit sa loob ng bahay. Palagi kaming nasa gilid, o kaya ay nasa labas. "Gusto ko lang makita mo ‘yung simpleng buhay dito," aniya.
Pagsapit ng gabi, nagsama-sama kami sa mesa. Nakakatawang isipin na mas naging close pa ako sa tatay niya kaysa sa mga tinawag niyang kapatid. Si Papa, tahimik pero laging sinisingitan ng, “Salamat, ha, Kyla.” Doon ko naramdaman na kahit papaano, may isa akong nakuha sa pamilya niya—isang respeto mula sa ama.
Pagkakain, niligpit ko ang mesa. Sinabihan pa nga ako ni Chester na tumigil na’t ako raw ay bisita. Pero gusto kong ipakitang hindi ako bara-bara lang sa buhay niya. Na kaya kong harapin ang kahit anong mata kung ito ang sinimulan kong landas.
Matapos makapagpahinga, naupo kami sa labas ng bahay. Umuupo siya sa bangko habang ako’y nakasandal sa pader. Madilim ang paligid maliban sa ilaw sa may poste at kaunting liwanag mula sa bahay.
“Bakit mo ko dinala rito?” tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang langit.
“Para maramdaman mong totoo ako.”
Tumango lang ako. Ngunit sa loob-loob ko, iba ang nararamdaman ko. May kaunting bigat sa dibdib. May kaba. Hindi dahil wala akong tiwala, kundi dahil may pakiramdam akong may hindi sinasabi.
Hindi ko pa rin makalimutan ‘yung unang reaksyon ng mga tao sa bahay. Ang mga ngiting pilit. Ang mga matang hindi makatingin ng diretso. Ang katahimikang para bang may gustong ipagsigawan pero pinipigilan.
Pagkatapos ng kainan, ng konting inuman, isa-isa nang nagsiuwian ang ilang mga kamag-anak na hindi nakatira sa bahay. Tahimik din ang mga kapatid niya habang nagpapaalam. Nagyaya na rin ang tatay niya na matulog na. Ang nanay naman niya, halos hindi ako nilapitan. Walang nagtanong tungkol sa’kin, sa trabaho ko, sa pamilya ko. Wala ni isa ang curious.
Sa loob-loob ko, siguro sapat na ‘yung ngumiti sila—kahit pilit.
Pero bakit ganito?6Please respect copyright.PENANAJvRNMsooLt
Bakit parang may pader na hindi ko maakyat?6Please respect copyright.PENANAjl74XVE61N
Bakit parang ako lang ang hindi tunay na bahagi?
Nang makapasok na kami sa kuwartong tinutuluyan, nahiga ako nang patalikod sa kanya. Tahimik. Mabigat ang hangin. Hindi ako umiiyak, pero parang may bumabara sa lalamunan ko.
Ni hindi ko kailangang magsalita.6Please respect copyright.PENANAbCvBOPu3DK
Ni hindi ko kailangang itanong.
Lumapit siya sa likod ko. Mahigpit ang yakap. Parang takot na takot akong mawala.
“Wag ka mag-isip, mahal,” bulong niya.6Please respect copyright.PENANAGs3LFmcP5w
“Wala akong iba.”6Please respect copyright.PENANAu1ZTtF9iQ9
“Wala akong niloloko.”6Please respect copyright.PENANAz6FxjxSdd8
“Wala akong nililihim sa’yo na makakasakit sa relasyon natin.”
Humigpit pa lalo ang yakap niya. Ramdam ko ang bigat ng hininga niya sa batok ko.
“Alam kong tahimik lang sila. Pero mahal, ikaw lang ang pinili ko. Ikaw ang sinasama ko sa buhay ko ngayon.”
Tahimik pa rin ako. Hindi dahil ayokong maniwala—kundi dahil sa parte ng puso kong gustong umasa na totoo lahat ng sinabi niya.
“Pagod na ‘ko sa gulo. Gusto ko ikaw na lang, Ky.”
At bago pa ako dalawin ng antok, narinig ko pa ‘yung huli niyang bulong...
“Hindi ako perpekto… pero ikaw ang gusto kong uwi-an, araw-araw.”
Sa sandaling ‘yon, pinili kong maniwala.
ns216.73.216.79da2