6Please respect copyright.PENANABrunTQ9KNO
“Ngayong araw, kasama natin ang isang babaeng tahimik pero matapang. Sa likod ng viral blog na Accidental Mistress… welcome, Kyla.”
Maayos ang make-up. Hindi OA. Hindi rin sobrang glam. Just enough to show the new version of herself—composed, whole, and unapologetic.
Nginitian niya ang host, saka tumango. “Thank you for having me.”
“Simulan natin sa mahirap na tanong. Bakit mo isinulat ang blog na ito?”
Mababaw ang hinga ni Kyla, pero kalmado. “Para ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko man masabi noon, gusto kong bigyang tinig ang katahimikan ko.”
“Wala kang binanggit na pangalan sa blog mo, pero malinaw ang mga eksena. Hindi ka ba natakot sa backlash?”
“Natakot ako,” tapat niyang sagot. “Pero mas nakakatakot mabuhay na parang hindi totoo ang kwento mo. Natuto akong harapin ang sakit kaysa itago ito.”
Nagtahimik ang studio.
“Wala akong intensyong siraan ang kahit sino. Ang gusto ko lang… to reclaim my voice. Hindi ko pinili maging kabit. Naloko ako, nadamay. Pero hindi ibig sabihin noon, wala akong karapatang magsimula ulit.”
“Bakit mo piniling magpatawad?”
Napangiti si Kyla. “Kasi ang kapatawaran, hindi regalo sa nanakit sa’yo. Regalo mo sa sarili mo. Para hindi ka na laging galit, hindi ka na laging sugatan.”
Tahimik ang buong production team. Para bang lahat ay may personal na hinagpis na biglang naliwanagan.
“Anong mensahe mo sa mga babaeng katulad mo?”
Tumingin si Kyla sa camera. Direkta. Walang takot.
“Kung ikaw ang sinaktan, nilinlang, iniwan… hindi mo kailangang manlait o maghiganti para gumaling. Ang kailangan mo lang: tanggapin ang katotohanan, piliin ang sarili mo, at maniwala na may bagong buhay sa dulo ng pagkawasak.”
ns216.73.216.79da2