7Please respect copyright.PENANAlKOs5Ia1C4
Sabado ng gabi. Walang lakad. Hindi rin lumabas si Chester, kahit may yaya ang tropa niya sa isang meet-up. Sa halip, pinili niyang manatili sa bahay—kasama sa video call si Kyla.
“Uy, tingnan mo ‘to oh,” sabi ni Chester habang pinapakita ang mug na may printed na motor at pangalan niya. “Regalo ng ate ko, ang jologs pero cute no?”
“Haha, oo nga. Pero bagay sa’yo. Halatang spoiled sa kapatid,” natatawang sagot ni Kyla, nakahiga at nakasandal sa pader ng kanyang kwarto.
“E ikaw? Ano ginagawa mo buong araw?”
“Wala… naglinis, naglaba, tapos ayun, pinanood kita maglaro ng Mobile Legends kahit ang ingay mo,” biro niya, sabay kuha ng popcorn mula sa tabi ng kama.
Masaya ang usapan. Minsan tahimik pero hindi awkward. Minsan sabay silang napapatigil, tapos titingin lang sa screen, magngingitian, para bang sapat na ang presensya ng isa’t isa kahit virtual lang.
Ngunit habang kasagsagan ng kwentuhan, biglang tumunog ang isang phone.
Hindi ‘yong ginagamit ni Kyla pang-video call, kundi ‘yong isa niyang personal phone.
“Wait lang, may tumatawag,” sabi ni Kyla, sabay abot sa side table.
Sa kabilang screen, nakita ni Chester ang pagngiti ng dalaga. Kasunod noon, ang pagdampi ng isang tawa na para bang kilala niya ang tumawag.
“Hello? Jason? Uy… ay oo, oo, ‘yong meeting kahapon. Ah, eh ganito kasi ‘yon…”
Tahimik si Chester. Wala sa tono ng boses ni Kyla ang malisya, pero hindi niya maipaliwanag ang biglaang sikip sa dibdib niya.
Jason.7Please respect copyright.PENANAX2Zdplu2QW
Sino si Jason?
“Eh kasi diba inaapoy ka ng lagnat kahapon? Kaya ‘di mo na-gets masyado ‘yung part ni Sir Romel. Bale ganito ‘yon...”
Tumango-tango si Kyla habang nagpapaliwanag sa kabilang linya. Nakatitig sa kanya si Chester mula sa camera, ngunit hindi na siya pinapansin. Abala si Kyla sa pagtawa, lalo na nang bumati raw si Jason ng “Thanks, Kyla. Buti ikaw talaga sumagot. Da best ka.”
Pagkababa ng tawag, sabay balik ni Kyla sa video chat. “Sorry ha, mabilis lang ‘yun. Kawork ko. May tanong lang sa meeting kasi may lagnat siya kahapon.”
“Jason ba pangalan n’un?” malamig ang tono ni Chester.
“Uh-huh. Bakit?”
“Kasi parang… natuwa ka masyado.”
Napakunot ang noo ni Kyla. “Ha? Natuwa? Hindi naman. Kaibigan lang. May sakit nga, tinulungan ko lang.”
Tumahimik si Chester. Pilit niyang tinatago ang bugso ng selos na ayaw niyang ipakitang OA. Pero totoo ang naramdaman niya—para bang may lumalapit sa teritoryo na gusto niyang tawaging kanya, kahit wala pa siyang legalidad na pag-angkin.
“Wala lang. Ang saya mo lang kausap siya,” muling sambit nito, sinubukang gawing biro.
“Selos ka?”
“Ako? Hindi ah. Bakit ako magseselos e wala naman tayo,” sabay bitaw ng half-smile ni Chester. Pero hindi mata niya ang ngumiti—pawang boses lang.
At doon, parang may pumatak na malamig sa pagitan nila.
Ilang oras ang lumipas, ngunit hindi na bumalik sa dati ang tono ng usapan. Paunti-unti na lang ang sagot ni Chester. Hindi na rin siya nagkulit gaya ng dati.
Nang biglang magtext siya ng:7Please respect copyright.PENANAkqMZuceWiO
“Labas tayo bukas.”
Nagulat si Kyla. “Ang biglaan naman. Bakit, may lakad ba tayo?”
“Meron na. Importanteng-usap.”
Kinabukasan, nagkita sila sa isang parke sa may bandang Antipolo. Maginaw ang hangin. Madilim na ang ulap pero walang ulan. Doon, sa ilalim ng isang punong may mga pulang bulaklak, huminto ang mundo ni Kyla nang magsalita si Chester:
“Selos ako kagabi.”
Tumingin siya kay Kyla nang diretso. Wala nang paligoy, wala nang pasaring.
“Hindi ko na kaya itago. Oo, nagselos ako. At hindi dahil sa Jason na ‘yon. Nagseselos ako kasi wala akong karapatang magalit. Kasi hindi pa kita…” Nag-alinlangan siya. “…hiningi.”
Tahimik si Kyla. Kinabahan siya, pero hindi takot. Kundi ‘yong tipong kaba ng isang pusong gustong madinig ‘yong matagal na nitong hinihintay.
“Alam mo ba, ikaw lang ‘yong babaeng nakita ko, pinuntahan ko, minahal ko… kahit wala pa akong sinasabi. Pero ngayon, gusto ko nang sabihin.”
Hinawakan ni Chester ang kamay ni Kyla. Mahigpit. Parang ‘pag binitawan ay mawawala.
“Kyla, mahal kita.”
Para siyang nabingi.
“Seryoso ako. Ayokong sa video call lang kita hawakan ng tingin. Gusto ko hawakan ka ng totoo. Gusto ko sa tuwing tatawagan ka ni Jason—o kahit sino pa—hindi ako mapapaisip kung may karapatan akong magselos o hindi. Gusto ko malinaw.”
“Chester…” mahina ang boses ni Kyla. “Sure ka ba?”
“Hindi lang ako sure. Sigurado ako.” Sagot niya. “Maging tayo na.”
Kyla blinked back the tears threatening to fall. She never expected na isang gabing selosan lang ay mauuwi sa ganito.
Pero ang mas hindi niya inaasahan ay kung gaano niya rin ito ginusto.
“Okay,” bulong niya, sabay ngiti.
“Okay na tayo?”
“Okay na tayo.”
Sa ilalim ng langit na tila handa nang umiyak, sa gitna ng malamig na hangin, sa mga kamay na ayaw nang bumitaw—isang relasyon ang tuluyang naipanganak. Hindi dahil sa selos. Kundi dahil sa damdaming hindi na kayang itago.
At oo, sa pagtatapos ng gabing ‘yon, sa harap ng motor ni Chester, bago sila umuwi, muling nagdampi ang kanilang labi.
Mas mahaba, mas totoo. Isang halik na hindi na tanong, kundi kumpirmasyon.
"Tayo na."
ns216.73.216.79da2