(POV ni Chester)
"Kanina pa kita tinatawag! Bingi ka na ba?"
Parang kidlat ang boses ni Evelyn habang binubuksan ang kurtina sa kwarto naming dalawa. Hawak ko pa ang cellphone, mabilis kong na-lock at siniksik sa ilalim ng unan. Muntik na.
"Sorry, inaantok lang ako," palusot ko sabay pikit ng mata, kunyari'y inaantok.
Pero sa totoo lang, kabado pa ang dibdib ko. Kakabasa ko lang ng sweet good night message ni Kyla. Isa na naman siyang paragraph ng pag-aalaga, ng lambing, at ng mga pangarap namin. ‘Yung tipong kahit pagod ako sa trabaho, parang nabubuhayan ako ng loob. Lalo na pag may selfie pa siyang kasama—yung medyo naka-pout, naka-nightgown, minsan may pa-cleavage. Nakakabaliw.
"Ano na naman ‘yang ngiti-ngiti mong parang sira?"
Napamulat ako. Nakatayo na sa tapat ng kama si Evelyn, naka-kimona, pero halatang galing sa inis. May hawak siyang basang towel na parang sandata. Napatayo ako agad.
“Wala. Wala lang.”
“Wala? Wala raw!” sabay dampi ng basang towel sa dibdib ko, pero hindi yun lambing—parang bato. “Gabi-gabi kang may ngiti sa labi, may kinikilig-kilig pa. Baka mamaya may kalandian ka na naman, ‘no?”
“Grabe ka. Paranoid ka na naman.”
“Talaga? Eh ‘tong cellphone mo, bakit ayaw mong ipatingin?”
“Evelyn, matutulog na nga lang ako. Araw-araw kang ganyan. Hindi ka pa ba napapagod kakasigaw?”
Hindi na siya sumagot. Umupo siya sa gilid ng kama, pero ‘di ako tinignan. Hawak-hawak niya ang towel na parang hinihimas para pigilan ang sarili. ‘Yung mga sandaling ‘to, dati guilty pa ako. Ngayon, wala na. Lahat ng pag-unawa ko, naubos na.
Ang totoo, matagal ko nang nararamdaman na hindi na ito relasyon—parang obligasyon na lang. Ilang taon na rin ang lumipas mula nung huli kaming magkatabi na may init. Tuwing sinusubukan kong kausapin siya ng mahinahon, nagiging sermon agad. Lagi akong mali. Lagi akong kulang.
Kaya noong dumating si Kyla—ang lambing, ang pag-aalaga, ang respeto… para akong nakahinga. Para akong naligtas sa sarili kong bahay.
Kinabukasan habang nasa kusina, nagkakape ako, pumasok siya ulit na parang may bagyo sa likod.
“Sino si Kyla?”
Halos mabulunan ako sa kape.
“Ha? Anong Kyla?”
“Wag ka ngang ganyan! Napanaginipan kita kagabi. Tapos nung magising ako, bigla kong naalala na may minsang nagtext sa ‘yo dati—‘Good morning, love. Stay safe sa ride.’ Hindi mo pinansin noon pero ngayon alam ko na. Ikaw ‘to. Ikaw ‘tong may ibang babae!”
Hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot. Panaginip lang ang basehan niya pero ramdam ko ang init ng kutob niya.
“Evelyn, wala akong ginagawa. Huwag mong gawing paranoid ang sarili mo sa mga panaginip mo.”
“Panaginip? O konsensya mo na yan, ha? Kasi kahit sa panaginip ko, masaya kayo—at ako, ako ‘yung nagmumukhang tanga!”
Natahimik ako.
Sa dami ng beses na ganyan ang tagpo sa bahay—sigawan, duda, luha, at pagkakibit-balikat—hindi ko na mabilang. Pero sa bawat sigaw niya, mas lalong lumilinaw sa ‘kin na wala na talaga kami. At ang masakit, kung hindi ko pa siya niloko, hindi ko rin makikilala kung anong pakiramdam ang totoo.
Si Kyla, siya ‘yung tipong kahit may pagod ako sa katawan, laging may yakap. Kahit simpleng bagay lang, may appreciation. ‘Di tulad dito—lahat kulang, lahat mali.
Pagdating ng gabi, habang tulog na si Evelyn, dahan-dahan akong bumangon. Kinuha ko ang phone, lumabas ng kwarto at naupo sa sala.
Nagtext ako kay Kyla:
"Gising ka pa?"
Hindi pa umaabot ng dalawang minuto, may reply na.
"Oo. Okay ka lang?"
"Hindi. Pero gumagaan ‘pag ikaw kausap ko."
"Dito lang ako, love. Lagi lang ako para sa’yo."
Napangiti ako. ‘Yung totoo? Gusto ko na lang siya. Buo na. Hindi na lust lang. Hindi na takas lang. Gusto ko ng bagong buhay, ‘yung ako naman ang masaya.
Pero hindi ganun kadali.
Hindi ko basta-basta kayang iwan ang limang anak ko. Hindi ko rin basta kayang sirain ang buhay nila. Pero kung ganito rin lang kami ni Evelyn, hindi ba’t mas nakakabuting may katotohanan na?
Na may taong handang magbigay ng pagmamahal, hindi sermon?
Na may taong nagbibigay ng saya, hindi pagod?
Bumalik ako sa kwarto. Tahimik na siyang natutulog. Pero ang puso ko, gising na gising.
Hindi ko alam kung gaano pa tatagal ‘to. Pero isa lang ang alam ko:
Mas bata siya.6Please respect copyright.PENANAjJF6eOxzbe
Mas masarap siya.6Please respect copyright.PENANABp1xYvqSq2
Hindi lang sa kama—pati sa usapan, sa turing, sa tingin, sa pangarap.
At kung ito man ay mali...6Please respect copyright.PENANALxkMaoeUl0
Minsan ang tama, hindi na masaya.