7Please respect copyright.PENANAMYcNy2zwZH
Hindi ko alam kung anong sumambulat sa akin pagmulat ng mata ko isang umaga.
May sunod-sunod na notipikasyon sa cellphone ko—Facebook tags, mentions, screenshots, messages. Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko, iniisip na baka panaginip lang lahat ‘to. Pero hindi.
Una kong nakita ay ang post na iyon: isang larawan namin ni Chester na nakasakay sa motor, magkaakbay, masaya. Captioned with:7Please respect copyright.PENANAmRvdLBPNyK
"Mukhang masaya ang kabit. Sana all may time mang-agaw ng asawa ng may asawa. 😊 #ShamelessHomewrecker #WifeNotDeadYet #AmininNaLangKesaMagpakaPlastic"
Hindi ako agad nakakibo. Nanginginig ang daliri ko habang isa-isa kong binuksan ang mga screenshots na sinend ng mga kaibigan ko.
Instagram story ni Evelyn:7Please respect copyright.PENANAhRHZlLybUw
"To the girl who thinks she won, congrats. You have my leftovers."
Twitter post niya:7Please respect copyright.PENANAgcXr2S0fyT
"I hope your conscience eats you alive. You knew. Don’t act innocent. You’re not."
At ang pinakamasakit—Facebook live.
Live. Oo, nag-live siya. Sa harap ng camera, hawak ang cellphone, maga ang mata, nanginginig ang boses habang sinasambit ang bawat salita:
"Para sa lahat ng nagtataka—oo, may asawa ako. At oo, may babae siya. At eto ang babaeng yun. [Sabay pakita ng litrato ko.] Hindi ko alam kung ilang beses na silang nagkita, kung ilang beses silang nagkantutan habang ako ay naghuhugas ng plato o nagtutupi ng uniform ng mga anak ko. Pero alam ko—alam ko na matagal na itong ginagawa sa akin."
Tumulo ang luha ko nang walang tunog.
Hindi ko alam kung anong mas masakit—ang malamang asawa pala si Chester, o ang ganitong klaseng kahihiyan na hindi ko naman pinili.
Maya-maya lang, tumawag si Melissa.7Please respect copyright.PENANAFYpHshv3dK
“Bes, okay ka lang? Pinapanood ko yung live kanina. Ang dami niyang sinabi, ang dami ding nanonood. Grabe. Hindi ako makapaniwala.”
Hindi ako makapagsalita.
Kasunod nito ay sunod-sunod na messages mula sa mga kaibigan sa trabaho, sa club, kahit sa mga kamag-anak ko. Para bang bigla akong naging trending topic.
Kasunod nito ang mga komento sa post ni Evelyn:
“Kapal ng mukha ng babae.”
“Classic kabit move.”
“Mas maganda pa rin si misis.”
“Mga lalaki talaga, walang kwenta.”
At ang pinakamasakit sa lahat?
Yung comment ng isang miyembro sa Motorcycle Club:
"Anong akala niyo sa club namin, panakip butas sa mga kabit? Hindi namin alam na may asawa’t anak ‘yang si Chester. Sayang, mukhang mabait pa naman si Kyla."
Gumuho ang mundo ko.
Kinagabihan, tumawag si Chester. Hindi ko agad sinagot.
Tumatawag ulit. At ulit. Hanggang sa sa ika-walong tawag niya, sinagot ko na rin—para tapusin na.
“Hello…” mahina kong bati.
“Kyla… please. Wag kang maniwala sa lahat. Di dapat ganun ‘to. Hindi ko ine-expect na gagawin ni Evelyn yun. Hindi niya dapat... hindi niya alam ang mga to…”
“Hindi niya alam? Ako ang hindi alam, Chester. Ako ang hindi mo sinabihan. Buong akala ko, ako lang. Tayo lang.”
Tumahimik siya sa kabilang linya.
“Bakit mo ‘ko ginanito?” nanginginig kong tanong.
“Hindi ko planong saktan ka. Mahal kita, Kyla…”
“Don’t say that. Don’t say na mahal mo ako. Kasi kung mahal mo ko, you would’ve told me the truth.”
Narinig ko ang paghikbi niya. Pero wala na akong lakas para makiramay pa sa sakit niya.
“Ano na ngayon? Natapos na ang sikreto. Anong plano mo? Uuwi ka sa asawa mo? Babawiin mo ang lahat ng sinabi mo sa’kin? Sasabihin mong walang nangyari?”
“Hindi, Kyla… pipiliin kita…”
Napangiti ako sa pait.
“Late na. Wala ka nang pipiliin kasi ako ang aalis.”
Tumigil ang usapan.
Ilang araw akong hindi lumabas ng kwarto. Hindi ko kinaya lumabas, lalo na’t parang lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Sa social media, may mga nagsusulat pa rin ng “update” tungkol sa “kabit drama.”
May nagsabi pang may mga media outlet na gustong i-cover yung issue dahil “public figure” daw ang isang miyembro ng club. Gusto nilang i-feature ang lalaking inakala nilang single, yun pala may pamilya na. At ang “kabit” na nakipagsabayan.
Hindi ko alam kung saan ako lulugar.
Sa huling gabi bago ko i-deactivate ang Facebook ko, nagpadala si Evelyn ng message.
“Hindi ko kailangan ng sorry mo. Hindi mo rin ako kailangan unawain. Pero gusto kong malaman mong hindi lang ako ang biktima rito. Pati ikaw.”
At doon ako tuluyang humagulgol.
Kasi totoo.
Pareho kaming ginamit. Pareho kaming sinaktan. Pareho kaming pinaikot.
Pero ako ang mas nasira. Ako ang mas hiyang-hiya. Dahil ako ang naging mukha ng kasalanan sa mata ng mundo.
Doon ko napagtanto na minsan, hindi mo kailangang umamin para maparusahan. Minsan, sapat na ang pagkakabulgar ng katotohanan para ang buong mundo ang maghusga.
At sa panahong ‘yon, wala akong pinanghawakan kundi ang sarili kong dangal—na kahit wala akong alam, kahit biktima rin ako, babangon ako.
At hindi ako babalik sa kanya.
Hindi sa lalaking pinili akong lokohin.
Hindi sa lalaking nagpakilala bilang perpekto.
At lalong hindi sa lalaking ikinahiya ako sa huli.
ns216.73.216.167da2