6Please respect copyright.PENANAiJoFsvLlGe
POV ni Chester
Ginawa ko na ang lahat. Lahat ng kaya ko. Lahat ng hindi ko naisip na kaya ko. Parang nawalan na ako ng hiya. Nawalan na ng pride. Wala na akong pakialam kung gaano ako kababa sa paningin ng mundo. Ang mahalaga lang sa’kin—si Kyla.
Pero kahit anong pagmamakaawa ko… kahit ilang mensahe, sulat, tawag, kahit ilang account pa ang gawin ko, hindi niya ako pinapansin.
Kaya nag-leave ako sa trabaho. Oo, isinugal ko ‘yung career ko. Wala na rin naman akong gana magbenta ng kahit ano sa opisina habang gumuho na 'yung mundo ko.
Simula nung araw na ‘yon, ginawa ko na ang isang bagay na kahit ako hindi ko akalaing magagawa ko—naging stalker ako.
Umaga pa lang, andun na ako sa tapat ng bahay nila. Naka-hoodie. Naka-face mask. Nag-aabang. Nakatago sa loob ng kotse, tinititigan ang gate na minsan kong pinangarap na maging parte ako.
Wala akong pakialam kung matulog ako sa loob ng sasakyan. Basta makita ko lang siya. Kahit glimpse lang. Kahit anino lang. Kahit boses lang na nagmamadaling pumasok sa school.
Isang araw, bumaba siya. Naka-polo siya. Pulang lipstick. Parang wala lang nangyari. Parang okay lang siya.
Ako? Wasak.
Nakatayo lang ako sa gilid, may dalang iced coffee—paborito niya—pero pagdaan niya, hindi man lang siya lumingon. Ni hindi niya ako nakita.
Kinagat ko ang labi ko, tinago ang iyak, sabay sabing:
“Okay lang. Bukas ulit.”
Kinabukasan, dala ko na 'yung favorite niyang pagkain. Chicken sandwich, walang pickles. Saka yakult. Alam ko ‘yan kasi ako bumibili n’un dati tuwing lunch break namin.
Nasa labas ulit ako. Same spot. Same routine.
Pumara siya ng tricycle. Mabilis siyang sumakay. Tinawag ko pangalan niya.
“Kyla!”
Lumingon siya—isang iglap lang. Isang maikling sulyap. Pero sapat na para tumigil ang mundo ko saglit.
Pero walang emosyon sa mukha niya.
Blanko. Tulad ng inbox ko. Tulad ng profile ko sa kanya—blocked.
Pag-alis ng trike, naiwan akong parang tanga sa gilid ng kalsada. Niyakap ko ang pagkain.
Hindi ko siya sinundan. Alam kong ayaw niya. Pero Diyos ko… ang sakit.
Minsan, pinuntahan ko ‘yung coffee shop na paborito niya. Nakaupo ako sa sulok, nagpapanggap na customer pero ang totoo umaasa lang akong papasok siya.
Apat na oras ako doon. Umorder ako ng dalawang kape kahit hindi ko naman trip. Baka lang dumaan siya. Baka lang…
Wala.
Kinagabihan, naglakad ako pauwi. Dinadaanan ko ‘yung street kung saan kami minsang magkahawak-kamay. Tiningnan ko ‘yung poste kung saan niya ako sinabihan ng “Huwag mo kong lolokohin, ha?”
At habang hawak ko ‘yung poste na ‘yon, napaluhod ako sa kalsada.
“Sorry…” bulong ko, kahit alam kong wala siyang maririnig.
Pangatlong araw ng pagmamanman ko, nakita ko siyang lumabas ng gate. May kasama siyang lalaki. Hindi ko kilala. May dalang bouquet.
Kinabahan ako. Nanlamig. Sumikip dibdib ko.
“Hindi. Kaibigan lang yan. Groupmate. Siguro kapatid.”
Pero nung inabot nung lalaki ang bulaklak… at ngumiti si Kyla—hindi fake smile, hindi pilit—alam kong may tuluyang nawala sa’kin.
Hindi ko alam kung ano ang mas masakit: ‘yung malaman kong may kapalit na ako, o ‘yung makita kong masaya siya… nang wala ako.
Gabing-gabi na. Nasa labas ulit ako. Walang ilaw sa loob ng bahay nila. Tahimik ang buong paligid.
Hindi ako umalis.
Nakatulog ako sa kotse. Pawis. Gutom. Pero balewala.
Basta may pag-asang masulyapan ko siya kahit sa bintana. Kahit sa panaginip. Kahit kahit saan.
Kinabukasan, may lumapit na tanod.
“Sir, may reklamo na raw. Lagi ka raw dito. Nakakaabala ka na.”
Ngumiti lang ako. Walang lakas para magpaliwanag.
“Sige po… aalis na ako.”
Pero bago ako sumibat, isinulat ko ‘yung huling mensaheng gusto ko sanang sabihin sa kanya sa isang papel:
“Hindi kita tinigilan hindi dahil wala akong respeto sa’yo,6Please respect copyright.PENANAZ29mx6S9f6
kundi dahil mahal pa rin kita, kahit ayaw mo na.6Please respect copyright.PENANAP23dNhnclL
At kahit baliw na ang tingin ng mundo, ikaw pa rin ang gusto kong kamahalan, kahit hindi mo na ako gusto.”
Nilagay ko sa gate nila.
Umalis ako. Umiiyak. Wasak.
Pero kinagabihan, bumalik ulit ako.
Dahil totoo pala ‘yung sabi nila…6Please respect copyright.PENANAc5uy3uH5n5
Kapag baliw ka na sa pagmamahal, hindi mo na maramdaman kung kailan ka nawalan ng dignidad.