(POV ni Evelyn)
Alam kong hindi lang ‘to basta panaginip.
Alam ko… kasi nararamdaman ko. Ramdam ng puso kong may nililihim na sa akin si Chester. Hindi man siya umamin, hindi man siya magsalita—sapat na ang mga kilos niya, ang mga palihim na ngiti niya habang may hawak na cellphone, ang biglang pag-lock niya ng screen kapag papalapit ako.
Akala niya hindi ko napapansin. Pero matagal ko na ‘tong pinagdududahan. Ayoko lang sanang paniwalaan. Ayokong kumpirmahin ang sakit na matagal ko nang iniinda.
Ako si Evelyn. Asawa. Ina. Ilaw ng tahanan. Pero pakiramdam ko ngayon, ako na lang ang kandilang unti-unting nauupos, nauubos.
Hindi ko maipagkakaila sa sarili ko—nagbago na talaga ako. Hindi lang sa ugali. Pati sa katawan. Sa itsura. Sa lahat.
Hindi na kami nagsisiping ni Chester. Siguro dahil wala na rin akong gana. O baka dahil tuwing gabi, pagod na ako sa trabaho, sa mga anak naming lima, sa paulit-ulit na responsibilidad.7Please respect copyright.PENANACRi7mKQXpC
Wala na ring date-date. Wala na ring simpleng lambing. Ni hindi ko na nga maalala kung kailan huli niyang hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami sa mall, o kung kailan niya ako huling tinawag ng “hon” o “love.”
At kung totoo man ang sinasabi ng katawan, nararamdaman kong may dahilan siya para hanapin ang lambing sa iba.
May mga fine lines na ako sa noo, sa gilid ng mata, sa paligid ng labi. May panaka-nakang uban kahit tinatago ko sa hair color. Ang kamay ko, may kalyo na, dala ng paulit-ulit na gawaing bahay. Ang paa ko, may bitak-bitak at magaspang. May varicose veins na ang binti ko, may stretch marks sa tiyan. May mga kamot sa tagiliran, tanda ng mga buntis kong katawan na hindi na muling bumalik sa dati nitong hugis.
Hindi na rin ako nakakapag-ayos ng sarili. Wala nang lipstick, wala nang pilikmata. Minsan pati suklay, nakakalimutan ko. Basta malinis lang, ayos na. Dahil sa totoo lang, hindi ko na inisip ang itsura ko—basta ang mahalaga, maayos ang mga anak namin, nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, at hindi kami nagkakautang.
Pero habang tinititigan ko si Chester sa bawat pagngiti niya sa telepono, nararamdaman ko ang paglayo niya.
Iba na ang sulyap niya sa akin—kung dati'y puno ng pagnanasa, ngayon ay parang pasensya na lang. Parang naririndi na siya sa bawat tanong ko. Sa bawat pagdududa ko. Pero paano ba naman? Paano ko hindi iisipin na may iba, kung gabi-gabi ay nakatalikod siya sa akin, nakayuko sa phone, tapos pipilitin akong maniwalang "wala lang ‘to"?
"Chester," minsan tanong ko, habang naghuhugas ako ng pinggan. "Baka naman pwede tayong lumabas kahit minsan?"
"Busy ako. Marami akong inaasikaso sa trabaho."
Wala nang paliwanag. Wala man lang tanong kung gusto ko bang sumama kahit saglit. O kahit tingin man lang na may pag-alala. Parang may pader na sa pagitan naming dalawa. At ako, pilit kong inaakyat ‘yung pader na ‘yun, kahit halos matabunan na ako ng pagod at lungkot.
Madalas akong magising sa madaling-araw, hindi dahil sa ingay o gising na anak, kundi dahil sa tahimik na pagtibok ng dibdib ko. May kung anong kirot. May kung anong kutob. At tuwing titingin ako sa kanya, tulog siyang mahigpit na hawak ang cellphone, parang takot na takot itong makuha ko.
Pilit kong iniintindi.7Please respect copyright.PENANALiJqaPid7K
Pilit kong nilalabanan ang lungkot.7Please respect copyright.PENANA8yVVUKc4Pq
Pero sa tuwing naiisip kong baka may iba na siyang hinihintay na mensahe, baka may iba nang nagpapakilig sa kanya… parang gusto ko na lang bumalik sa pagiging single. Yung hindi ako iniinsulto ng katotohanan. Yung hindi ako pinipilit ngumiti habang lumulubog sa duda.
Oo, alam ko, may mga pagkukulang ako.
Naging abala ako sa mga anak natin, Chester. Sa pag-aaral nila, sa assignment, sa baon, sa pagkain, sa uniform, sa lagnat, sa sakit ng tiyan, sa bangungot. Naging abala ako sa pagtitipid, sa pagpapakain, sa paglalaba, sa pagsasaing, sa pagtatrabaho sa bahay at labas. Nakalimutan ko na rin yatang maging asawa, kasi araw-araw, ina ako, tagaluto, tagapunas, tagasilbi.
Pero minsan, sana maalala mo, kung ba’t kita pinili.
Sana maalala mo yung panahon na ako ‘yung nagpapakilig sa ‘yo. Yung tawa ko pa lang, sapat na para mapangiti ka buong araw. Yung mga pangako mo sa altar, na kahit anong mangyari, ako lang ang pipiliin mo.
Hindi ko hinihingi na mahalin mo ‘yung katawan kong may stretch marks. Pero sana man lang, maramdaman kong nakikita mo pa rin ang babaeng minahal mo dati. Kahit hindi na ako kasing kinis, kasing seksi, kasing aliwalas ng dati—sana naroon pa rin ‘yung respeto.
Pero sa bawat pagtatago mo ng cellphone, sa bawat palusot, sa bawat “busy ako,” unti-unti mong pinapatunayan sa akin na ako na lang pala ang nagmamahal.
Ako na lang pala ang kumakapit.
May gabing akala ko tulog siya. Dahan-dahan akong tumayo, dinampot ang phone niya na iniwan niya sa side table. Hindi ko naman sana bubuksan. Gusto ko lang masigurado. Gusto ko lang makatiyak na ako pa rin. Na baka nga paranoid lang ako.
Pero naka-lock. At may fingerprint. At bago ang password.
Hindi ko siya ginising. Pero gabi-gabi na akong gising mula noon.
Hindi ko alam kung ako na ba talaga ang tinatawag mong “crazy wife,” Chester. Dahil sa dami ng tanong ko, sa dami ng sigaw ko, sa dami ng luha ko—baka nga ako na.
Pero sana maisip mong kaya ako ganito, dahil ayaw kong mawala ka. Dahil sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko, ikaw pa rin ang pinipili ko, araw-araw. Habang ikaw, baka sa tuwing kausap mo siya, iniisip mo nang layasan ako.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ‘to kakayanin. Pero isang araw, baka magising ka na lang at wala na ako. Wala na ang crazy wife mo. Wala na ang babaeng hindi na maganda, pero ikaw lang ang minahal buong puso niya.
At sana pag dumating ang araw na ‘yun…7Please respect copyright.PENANAcsSOQ0h24W
Masaya ka na talaga.