7Please respect copyright.PENANAteDT0h9LzB
“Ms. Mercado, the publisher has confirmed. The contract is yours,” ani ng editor sa kabilang linya.
Napangiti si Kyla habang nakaupo sa lumang upuan sa veranda ng tahanan niya. Yung lugar kung saan siya minsang umiiyak gabi-gabi. Ngayon ay tahan na.
Ibebenta na bilang libro ang viral blog niyang Accidental Mistress. Hindi lang kwento—testamento ng pagbangon.
Isang linggo matapos pirmahan ang kontrata, muling pinuntahan ni Kyla ang garahe ng luma nilang bahay sa Pampanga. Nandoon pa rin ang NMAX na minsang iniwan ni Chester.
Niyakap ito ng alikabok. May kalawang na sa gilid.
Lumuhod siya, dahan-dahang hinaplos ang manibela.
“Hindi kita kailangan, pero salamat sa mga biyahe mo noon,” mahina niyang sabi. “Sa mga gabing akala ko, ikaw lang ang kasama ko sa dilim.”
Pumikit siya. Iniisip ang bawat sakay, bawat iyak sa loob ng helmet, bawat liko sa kalsadang walang kasiguruhan.
Sa huli, tumayo siya, inilagay sa upuan ang maliit na papel:
Sa sinumang makakita nito: Kunin niyo na. Regalo ng nakaraang bumangon mula sa pagkabasag.
At pagtalikod niya, hindi siya lumingon.
Kasi tapos na ang biyahe.
Nasa kabanata na siya ng panibagong destinasyon.
ns216.73.216.238da2