Chester’s POV
Hindi ko inakalang aabot kami dito.
Hindi ko rin akalaing may isang taong kayang ibigay sa akin ang lahat—oras, effort, suporta, pagmamahal—nang walang hinihinging kapalit kundi ang presensya ko. Si Kyla… ibang klase siya.
Noong birthday ko, wala talaga akong inaasahan. Nakasanayan ko na rin siguro na ordinaryong araw lang iyon. Hindi naman kami nagdiriwang masyado sa bahay. Lalo pa ngayon—tila estranghero na lang ako sa sarili kong tahanan. Pero nang bumungad sa akin ang mga sorpresa ni Kyla, natigilan ako. Hindi lang dahil sa halaga ng mga regalo, kundi sa puso sa likod ng bawat isa.
Unang binigay niya ang Tomato watch. Sabi niya, “Para wala ka nang dahilan malate.” Ngumiti lang ako, pero sa loob-loob ko, parang gusto kong mapaiyak. Naalala niya ang luma kong relo. Yung simpleng bagay, binigyan niya ng halaga.
Pangalawa, bagong helmet at gear. Customized pa—itinerno niya sa motor na binili niya rin para sa akin. Hindi ako makapaniwala noong binigay niya ang brand new NMAX na ‘yon. “Para safe ka palagi, at may pang-ride tayo,” aniya, habang nilalaro ang susi sa palad ko.
Iyon na siguro ang pinakamahal at pinakamatinding regalo na natanggap ko—hindi lang sa materyal na bagay, kundi sa tiwalang kasama nun. Tiwala na ako ang pinili niyang bigyan ng ganu’n kalaking bahagi ng buhay niya.
At sa gabing iyon, sa resort na nirentahan niya sa Paranaque, sa piling niya… doon ko rin naramdamang buo ako. Ipinadama niya sa akin na karapat-dapat akong mahalin, sa kabila ng lahat ng pagkukulang ko.
Pero habang nakayakap siya sa akin kinagabihan, habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko na parang wala siyang ibang mundo kundi ako… doon ako tuluyang binalot ng takot.
Takot na mawala siya.
Hindi pa niya alam.
Hindi pa niya alam ang buong katotohanan—na kasal ako. Na may limang anak akong iniwan-iniwanan ko sa bahay. Na sa tuwing sinasabi kong may work meeting ako, minsan nasa PTA meeting ako sa Cavite. Na tuwing sinasabi kong “maaga akong uuwi,” ibig sabihin niyon, kailangan ko nang bumalik sa bahay na legal kong tahanan.
Masaya ako kay Kyla. Mas masaya ako ngayon kaysa sa naging ako sa loob ng maraming taon. Pero sa tuwing sumasaya ako, may kapalit na kirot.
Kirot ng pagkukunwari. Kirot ng kasinungalingan. Kirot ng konsensya.
Minsan naiisip ko, paano kung si Kyla ang nakilala ko bago si Evelyn?
Paano kung siya ang pinakasalan ko?
Paano kung siya ang ina ng mga anak ko?
Pero hindi ganon ang nangyari. Masyado akong naging pabaya. Mas pinili ko ang “dapat” kaysa sa “gusto.” Mas pinili ko ang tahimik na buhay, kahit puno ng sigawan. Mas pinili kong manatili kahit wala nang pagmamahal.
Ngayon, heto si Kyla. Sinasalba ako araw-araw. Binibigyan ako ng dahilan para ngumiti, tumawa, mabuhay.
Pero ang tanong: Hanggang kailan ko siya maloloko?
At kung dumating ang araw na malaman niya ang totoo… makakaya ko pa bang harapin ang araw na wala na siya?
Kung siya ang ilaw na bumuhay sa’kin, hindi ko alam kung kakayanin kong bumalik sa dilim kapag nawala siya.
Napakabait niya. Masayahin. Mapagbigay. Laging handang tumulong. Walang araw na hindi siya nagpaparamdam. Sa bawat “good morning love,” at “ingat ka sa biyahe,” nararamdaman ko kung gaano niya ako kamahal.
Hindi niya alam, pero kapag binibigyan niya ako ng kahit mumunting bagay gaya ng paborito kong kape o minsa’y simpleng keychain na nakita raw niya habang namimili, mas lalo akong nadudurog sa guilt. Kasi hindi ko siya kayang suklian ng buo.
Oo, mahal ko siya. Totoo. Buong puso. Pero hindi ko siya kayang ialay ng buong sarili ko. Hindi pa ngayon. Hindi habang nakatali pa ako sa kasal na wala na namang saysay kundi papel na lang ang humahawak.
Ayoko siyang mawala. Hindi ko na siguro kakayanin pang muling masaktan kung siya pa ang mawala sa akin. Pero hindi ko rin kayang sirain ang mundong ginagalawan niya dahil sa kasinungalingan kong piniling panatilihin.
Natatakot ako.
Na isang araw, may biglang mag-message sa kanya.8Please respect copyright.PENANAwpg6RVKUsa
Na isang araw, may mag-tag sa kanya ng litrato na may iba akong kasama.8Please respect copyright.PENANA8nNNKKapGg
Na isang araw, mas mahuli niya ako kaysa aminin ko.
Pero paano ko sasabihin?
Paano ko sisimulan?
“Kyla, mahal kita. Pero may pamilya ako. May asawa. May anak.”
Hindi ko kayang sambitin. Kasi pag sinabi ko iyon, tapos na ang lahat. Mawawala ang mga good morning messages. Mawawala ang mga rides. Mawawala ang mga tawa niya, ang mga yakap niya, ang mga regalo niyang may pusong inalay.
At pinakamasakit sa lahat, mawawala siya.
Kaya heto ako ngayon, nakatingin sa kanya habang natutulog pa siya. Ang ganda niya, kahit hindi siya nakaayos. Sapat na sa akin ang simpleng paghinga niya sa tabi ko. Yung kamay niyang nakakapit pa rin sa braso ko, parang sinisiguro niyang hindi ako mawawala.
Pero paano kung ako ang dahilan ng pagkawala niya?
Napapikit ako. Huminga ng malalim.
“Kyla,” bulong ko. “Salamat. Salamat kasi minahal mo ako. Salamat kasi pinadama mong karapat-dapat pa akong mahalin, kahit sa tingin ko hindi na.”
Minsan iniisip ko, baka parusa sa akin ‘to. Yung ibinigay siya sa akin, pero hindi ko siya pwedeng lubusang angkinin. Na baka ito na yung “payment for sin” ko—yung pagkakataong minahal ako ng isang babae sa paraang walang ibang gumawa, pero kailangang mawala siya sa huli.
Tumingin ako sa kisame. Umusal ng dasal.
“Panginoon, kung pwede pa, bigyan mo ako ng lakas. Kasi sa bawat araw na kasama ko siya, mas lalo akong nahihirapang itama ang mali. Pero ayokong dumating ang araw na mapoot siya sa akin. Gusto ko lang siyang alagaan. Kahit hindi ko siya maangkin. Kahit hanggang ganito lang.”
Pumihit siya. Dumikit pa lalo sa dibdib ko. Napangiti ako kahit may luha sa gilid ng mata ko. Niyakap ko siya nang mahigpit.
“Mahal kita, Kyla,” bulong ko muli. “At kung may ibang buhay pa, kung may pagkakataong ulitin, ikaw ang pipiliin kong simulan.”
ns216.73.216.79da2