6Please respect copyright.PENANAVVxhFs9T96
May mga pagkakataon sa buhay na kahit hindi mo alam kung ano talaga ang totoo, pinipili mong magmahal pa rin. Ganun siguro kapag sobra mong mahal ang isang tao—handa kang magbigay, kahit kapalit nun ay hindi ka sigurado kung binibigyan ka rin.
Buwan ng birthday ni Chester. Matagal ko na ‘tong pinaghandaan. Ayokong maging simpleng selebrasyon lang, gusto ko—espesyal. Kasi siya, sa puso ko, espesyal.
Wala naman siyang hiningi. Wala siyang pinilit. Pero ramdam ko sa kanya yung simpleng saya sa maliliit na bagay. Kaya paano pa kaya kung malalaking sorpresa ang ihahandog ko?
Unang regalo: Tomato Watch.6Please respect copyright.PENANAsgYxZA0MaQ
Yung suot niyang relo, halos maluma na. Gasgas na ang strap, at minsan titingin siya sa time, tapos biglang bubunot pa ng cellphone. Natawa ako minsan, sabi ko, “Ba’t ka pa nagsusuot niyan kung di mo naman nababasa?”
“Bigay kasi ‘to ng tropa,” sagot niya sabay kindat. Pero ewan ko—dun ko naisip na panahon na siguro para bigyan ko siya ng bago.
Pumili ako ng Tomato watch. Simple lang pero stylish. Gaya niya. Matibay, maangas pero may dating. Pinahulaan ko pa kung anong kulay, tapos natawa siya nung iabot ko.
“Swabe ‘to, love,” sambit niya. “Alam mong mahilig ako sa ganitong klase.”
Sa mata niya, nakita kong totoo ang tuwa.
Pangalawa: Bagong helmet at gear.6Please respect copyright.PENANAo9I6pPE9Fv
Dahil biker si Chester, natural na kasama sa buhay niya ang daan, ang makina, at ang hangin sa mukha. Pero lagi kong napapansin yung luma niyang helmet—gasgas, may cracks sa visor, at yung riding jacket niya ay butas-butas na.
Hindi ko na matiis. Pumunta ako sa isang trusted shop sa Quezon City at nagpagawa ng customized gear. Pinaterno ko sa next gift ko—isang bagay na alam kong hindi lang niya magugustuhan, kundi maaalala niya habang buhay.
Ikatlo: NMAX.6Please respect copyright.PENANAmemkY2tGff
Oo. Binilhan ko siya ng motor.
Matagal ko na kasing naririnig sa kanya na gusto niya ng mas komportableng ride—lalo na para sa malalayong biyahe. Lagi niyang sinasabi na, “Kung may NMAX ako, mas babyahe tayo ng mas malayo.”
Hindi niya alam na seryoso akong nakikinig sa mga pangarap niya.
Kinontak ko pa yung pinsan niyang dealer sa Bulacan, tahimik lang ako. Pinili ko ang matte black. Pinagawa ko ng personalized plate number. At nang na-release na ito, sinigurado kong buo na ang combo: helmet, jacket, gloves, at ang pangarap niyang motor.
At ang setup: isang gabi sa Paranaque.
Nirentahan ko ang isang magandang Airbnb resort unit sa Paranaque. Private pool, may kitchen, may mood lights pa sa kwarto. Doon ko planong ihandog lahat.
Dumating siya sakay ng luma niyang motor, dala ang simpleng backpack. Pagkababa pa lang, nakangiti na siya.
“Anong meron?” tanong niya.
“Surpresa. Tara na sa loob.”
Pagpasok niya, nakalatag na ang lahat sa ibabaw ng mesa: mga gift box na may tag, balloon arrangement na may “Happy Birthday My Love,” at picture namin na naka-frame.
Sa pool area, may mga fairy lights. Sa kusina, may sinigang at crispy pata—paborito niya. Niluto ko pa talaga.
“Grabe, love…” bulong niya habang umiikot sa paligid. “Ginawa mo ‘to lahat?”
Tumango lang ako. Sabay hila sa kanya sa sofa, pinaupo ko siya.
“Isa-isa mo bubuksan,” utos ko.
Una niyang binuksan ang relo. Tuwang-tuwa. Sunod ang helmet at gear—nagulat pa siya kasi customized may pangalan niya.
“Anak ng… Kyla naman… sobra ka na…”
At panghuli, yung motor. Pinalabas ko siya sa likod, binuksan ang ilaw ng maliit na garahe kung saan naka-park na ang bagong NMAX. Naka-red ribbon pa. Parang eksena sa pelikula.
Napatulala siya. Para siyang batang hindi alam kung iiyak o sisigaw. Nilapitan niya ang motor, hinawakan. Tiningnan ang plate. Binalikan ako.
“Ikaw bumili neto?”
Tumango ako. Medyo kinakabahan. Hindi dahil sa gastos, kundi sa dami ng damdaming inilakip ko roon.
Lumapit siya. Niyakap ako ng mahigpit.
“Bakit mo ‘to ginagawa?” tanong niya.
“Kasi birthday mo. Kasi mahal kita.”
Tahimik siya ng ilang segundo. Pagkatapos, hinalikan niya ako. Matagal. Malalim. Ramdam kong hindi lang simpleng ‘thank you’ ang ibig sabihin noon.
At doon nangyari.
Sa gabing iyon, habang malamig ang simoy ng hangin mula sa pool, habang ang ilaw ay kulay dilaw at ang paligid ay tahimik, ginugol namin ang gabi na magkasama.
Wala nang salita. Wala nang regalo. Wala nang “baka” o “siguro.”6Please respect copyright.PENANAk8lIxmuWxS
Pinili naming maging isa.
Hindi ko ikukwento nang detalyado kung paano—hindi naman yun ang punto. Pero tandaan mo, mahal, yun ang unang beses na ibinigay ko ang sarili ko sa kanya… buo.
Wala akong iniwan para sa sarili ko. Lahat, binigay ko. Hindi dahil hinihingi niya. Hindi rin dahil kailangan.
Ginawa ko ‘yon kasi sa sandaling iyon, mahal ko siya nang buo, at gusto kong iparamdam sa kanya iyon—hindi lang sa salita, kundi sa pagkilos.
Nang matapos ang gabi, nakahiga kami sa kama. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya. Pinapakinggan ko ang tibok ng puso niya, habang ang mga daliri niya ay banayad na nilalaro ang buhok ko.
“Love,” sabi niya, “hindi ko ‘to malilimutan.”
“Ako rin,” sagot ko. “Sana huwag mong sayangin.”
Tumahimik siya. Marahil nag-isip. O baka may tinatago. Pero pinili kong huwag munang magtanong. Gusto ko lang namnamin ang gabi. Ang sandali. Ang alaala.
Pero minsan, love, kahit gaano mo pa subukang buuin ang isang tao gamit ang pagmamahal—kapag may bahagi siya na hindi handang magpatotoo, mababasag din ang lahat.
Hindi ko pa alam noon ang mga susunod na mangyayari. Pero sa puso ko, tandang-tanda ko pa ang gabing iyon. Ang mga mata niyang punong-puno ng pasasalamat. Ang bisig niyang tila sinasabi, “akin ka.” At ang sarili kong tinig sa loob-loob ko na sumisigaw:
“Sana ito na. Sana sapat na ako.”
ns216.73.216.79da2