7Please respect copyright.PENANAjCb3HwQ0qY
Biglang lumamig ang hangin nang makatanggap ng tawag si Kyla mula sa unknown number. Matagal na niya itong gawi—hindi sumasagot sa mga hindi kilala. Pero sa gabing iyon, may kung anong bulong sa loob niya na nagsabing sagutin mo.
“Hello?” aniya, malamig ang boses.
“Kyla…” boses iyon na hindi niya malilimutan. Paos. Hugot sa hinga. May kasamang pakiusap.
“Chester,” mahinang sambit niya, pero hindi dahil sa damdamin. Gulat lang. Tahimik na gulat.
“Wala na akong ibang malapitan. Hindi ko alam kung saan ako kukuha. Please, Kyla… yung bunso ko…”
Napatigil si Kyla. “Anong nangyari?”
“May dengue. Critical. Wala kaming pambayad sa ospital. Ayoko na sanang istorbohin ka, pero… ayoko ring mawala ang anak ko.”
May kaluskos sa kabilang linya. Isa pang tinig ang sumingit. Babaeng paos, waring napilitan ding magsalita.
“Kyla… kung may kahit anong awa ka pa sa anak namin…”
Si Evelyn.
Ang babaeng minsang sinigawan siya sa gitna ng kalsada. Ang babaeng muntik nang ipahamak ang pagkatao niya sa galit at selos. Ngayo’y nagmamakaawa rin.
Hindi agad nakasagot si Kyla. Pero ang dibdib niya, mahigpit na hinawakan ng isang emosyon na hindi niya inaasahan—habag.
Hindi dahil kay Chester. Hindi dahil kay Evelyn.
Dahil sa batang walang alam sa kasinungalingan ng mundo.
Ilang oras lang, nasa ospital na si Kyla. Tahimik lang siyang dumaan sa emergency room, dala-dala ang cheque, walang yabang, walang sermon.
“Pang-deposit,” maikling sabi niya. “Para sa anak nyo. Pero pagkatapos nito, wala na tayong ugnayan.”
Hindi nakaimik si Chester.
Hindi makatingin si Evelyn.
At si Kyla? Tahimik na lumakad palayo, matuwid ang likod.
Wala siyang utang na loob.7Please respect copyright.PENANAUc8tyYecFC
May puso lang siyang marunong kumilala kung kanino dapat ibigay ang awa—at hanggang saan lang ito.