7Please respect copyright.PENANAOJqfrpbDkH
Hindi araw-araw may makikilala kang taong parang hinugot mula sa eksena ng pelikula—madaling kausap, may sentido kumon, may charm pero hindi pilit. Gano’n si Chester kay Kyla sa mga sumunod na linggo.
Mula sa simpleng group rides, unti-unti silang naging magka-chat. Sa umpisa, puro updates lang:7Please respect copyright.PENANAY9lgJ5DSlV
“Ride kayo bukas?”7Please respect copyright.PENANAysB41v2CVu
“Tara, kape tayo after shift.”7Please respect copyright.PENANAMWa4ziLurm
“Okay ka lang ba? Mukhang tahimik ka kanina.”
Hanggang sa napalitan na ng mas personal:7Please respect copyright.PENANAkd48bUAb2t
“Anong breakfast mo?”7Please respect copyright.PENANAg3sobP21rV
“Gusto mo ba ng surprise?”7Please respect copyright.PENANAVNloHkNH8D
“Kung kailangan mo lang ng kausap, I’m here.”
Hindi niya alam kung kailan eksakto nagsimula, pero isang araw, hinahanap-hanap na ni Kyla ang “good morning” ni Chester. Hinahanap niya ang simpleng banat nito tuwing gabi bago matulog. Parang may kulang kapag wala.
At si Chester—lagi siyang nandoon. Hindi demanding. Hindi maharot. Pero laging present. Laging handa.
"Single ka ba talaga?" tanong ni Kyla minsan habang nasa harap ng isang food truck.
"Oo naman. Ba’t mo naitanong?"
"Di ko alam... parang ang galing mong magmahal para sa isang taong walang sabit."
Napangiti si Chester, hawak ang tasa ng kape. "Siguro kasi marunong akong pumili ng taong karapat-dapat mahalin."
Nag-iwas ng tingin si Kyla. Hindi niya alam kung kilig ba o kaba ang naramdaman niya. Pero hindi niya rin kayang itanggi—natatabunan ng kilig ang duda.
Lumipas ang mga araw na mas lumalalim ang koneksyon nila. Kapag may lakad ang barkada, lagi silang magkatabi. Sa mga usapan sa GC, sila ang laging nagba-backread sa isa’t isa. At kahit walang label, alam ng lahat—may something.
“Bakit mo pa ako nilalapitan?” tanong ni Kyla isang beses, habang nakasandal sa motor, isang linggo matapos ang isang group ride kung saan dinala siya ni Chester pauwi kahit malayo ang ruta.
“Dahil gusto kita,” sagot nito, diretso. “Kahit na hindi kita kilala nang buo, gusto ko kung sino ka sa mga oras na ‘to.”
“Hindi ba ‘yan infatuation lang?”
"Kung infatuation lang, hindi ako magsisigurado kung may boyfriend ka, hindi kita aalukin ng ride kahit antok na ako, hindi kita hahanapin kapag nawawala ka sa GC. Kung gusto mo ng label—hindi pa ‘to love. Pero hindi rin ‘to trip-trip lang."
Tahimik si Kyla. Kasi sa dami ng lalaking dumaan sa buhay niya na puro salita, ngayon lang may isang tumama sa pagitan—hindi pa love, pero may respeto. May consistency. May lambing na hindi binili, kundi pinaghirapan.
Ilang beses pa silang nagkita. Minsan may kasama, madalas wala. Palagi siyang inihahatid pauwi kahit hindi naman niya hinihiling.
“Sa lahat ng dinala ko rito, ikaw lang ang pinagsarhan ko ng pintuan,” biro ni Kyla isang gabi habang binubuksan ang gate ng apartment niya.
“Bakit, gusto mo bang pumasok ako?” sagot ni Chester, sabay kindat.
“Sira ulo,” tawa niya, pero sa loob-loob niya, tinamaan na talaga siya.
Hanggang sa isang gabi, habang nakaupo sa rooftop ng isang overlooking resto sa Antipolo, sinabi ni Chester:7Please respect copyright.PENANAdBMhcE8YAJ
“Wala akong sabit. Wala akong asawa. Wala akong girlfriend. At kung sakaling papayag ka... gusto kitang ligawan. Sa sarili kong paraan. Hindi pilit. Hindi madalian.”
“Bakit ako?”
“Dahil ikaw ‘yung tipo ng babaeng kayang dumaan sa init ng biyahe, sa lamig ng bundok, sa traffic ng buhay—pero hindi mo binibitawan ang ngiti mo.”
Hindi na nakasagot si Kyla. Sapagkat sa unang pagkakataon, tila ba napaniwala siya ng isang estranghero na baka nga—posible pang magmahal muli, na walang sakit, walang tanikala, walang lihim.
Pero hindi niya alam...
Hindi niya alam na ang perfect stranger na ito ay hindi talaga stranger sa mundo ng kasinungalingan.7Please respect copyright.PENANAU0AZ3o3icV
Hindi niya alam na ang taong nagpakilala sa kanyang single, ay may tahanang tinatago.7Please respect copyright.PENANABghpPMaxkw
At hindi niya alam—na sa bawat sulyap, sa bawat good morning, at sa bawat simpleng lambing…7Please respect copyright.PENANADwGKOZqhNm
Umiikot na pala ang buhay niya sa isang kasinungalingang pinili niyang paniwalaan.
Dahil sa oras na iyon, ang gusto lang ni Kyla ay ang magmahal.7Please respect copyright.PENANAqoclZwyjQ3
At si Chester—alam kung paano. Marunong umarte. Marunong umalalay. Marunong magsinungaling.
Pero sa panahong iyon, hindi pa niya alam.
Kaya para kay Kyla, si Chester… ay perpektong estranghero.
ns216.73.216.79da2