7Please respect copyright.PENANAylhFuhSzKS
Isang gabi, tahimik lang si Kyla habang nakaupo sa harap ng laptop. Binuksan niya ang folder na matagal na niyang iniiwasang silipin—“Chester”.
Isang isang sinuri ang bawat litrato. Lahat ng tawanan, yakapan, halikan. Para silang masaya noon. Pero bawat larawan ay paalala rin ng kasinungalingang bumalot sa bawat sandali.
Walang luha. Wala nang hinagpis.
Isinara niya ang folder. Pinindot ang Delete.
Kasunod nito, tinanggal niya ang mga screenshots ng usapan nila. Binura ang voice notes. Sunod ang mga regalo—ang singsing na peke pala, ang stuffed toy, ang sulat na puro pangako pero walang saysay. Bawat isa, isinilid sa kahon, diniligan ng alcohol, at sinunog sa loob ng tambakan.
Nanonood siya habang unti-unting kinakain ng apoy ang mga alaala. Walang yakap ng lumbay. Tanging init lang ng kalayaan.
Panghuli, binuksan niya ang telepono. Hinanap ang pangalan ni Chester.
Block. Delete. Wala nang balikan.
Ang huling iniwan niyang salita sa sarili bago ipikit ang mga mata:
“This is not heartbreak. This is rebirth.”
ns216.73.216.238da2