8Please respect copyright.PENANAGko5UaATDi
May mga tao talagang dumarating sa buhay mo na parang sinadya ng tadhana—eksaktong-eksakto sa mga panahong kailangan mo ng karamay, ng kasama, ng dahilan para muling ngumiti. Para kay Kyla, si Chester ang taong ‘yon.
Parang imposibleng lagi siyang available. Pero heto siya—lagi.
Minsan, pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho, susulpot na lang ito sa gate ng apartment niya, hawak ang paborito niyang milk tea at ensaymada.
“Pampatanggal stress,” wika ni Chester habang iniaabot ang mga ito.
“Anong ginagawa mo rito? Ang layo mo ah,” gulat ni Kyla.
“Wala lang. Naisip kita.”
Napailing na lang siya habang kinikilig sa loob. Galing pa si Chester sa Cavite. At siya, nasa Pampanga. Mahigit dalawang oras ang pagitan nila kung walang traffic—pero heto siya, parang kapitbahay lang kung dumalaw.
Sa mga group rides, laging nandoon si Chester. Kahit hindi siya originally part ng event, magpaparamdam ito sa GC at mag-aalok:8Please respect copyright.PENANAmx56YXLaPi
“Sino gustong sunduin? Pampanga boys, samahan ko kayo!”
At lagi niyang sinisigurong si Kyla ang priority.
“Gusto mo ako na lang sumundo sa’yo? Mas malapit sa daan ko ‘yon.”
“Eh di lalayo ka?”
“Wala sa layo ‘yan. Basta ikaw ang pupuntahan.”
Unti-unti, naging bukambibig na ng mga kaibigan nila:8Please respect copyright.PENANAu5PiyiA4xK
“Grabe, ang swerte mo kay Chester.”8Please respect copyright.PENANA1mSXQFu4BU
“Sana all may consistent na ganyan.”8Please respect copyright.PENANAw0pcxCwbdm
“Parang siya ‘yung most available person in the world!”
At si Kyla, kahit pilit pa ring nagdududa sa una, ay unti-unti na ring nahulog. Paano ka nga ba hindi mahuhulog sa lalaking gumagawa ng daan papunta sa’yo kahit wala ka namang hinihiling?
Weekend pagkatapos ng night shift nila, niyaya siya ni Chester sa isang private cafe sa Tagaytay. Doon, sa malamig na hangin at simpleng setup ng lamesang may fairy lights, tahimik silang nagkape.
“Alam mo ba,” sabi ni Chester, habang nakatingin sa malayo, “ilang taon na akong hindi tumatagal sa kahit anong commitment.”
“Eh bakit parang effortless ka sa’kin?” tanong ni Kyla, seryoso.
“Siguro kasi… ngayon lang ako nagkaroon ng dahilan para piliin ‘yung isang tao. Hindi dahil sa pressure. Kundi dahil gusto ko.”
Napalunok si Kyla. Hindi niya maintindihan kung bakit sa bawat salitang binibitawan nito, ramdam niya ang sincerity. Parang wala siyang karapatang pagdudahan ang isang lalaking laging nandiyan, kahit hindi siya humihingi.
“Hindi mo ba ako pinagsasawaan?” biro niya, sabay inom ng mainit na kape.
“Bakit kita pagsasawaan? Baka nga ikaw pa ‘yung unang magsawa sa’kin.”
Tumingin si Kyla sa kanya. “Imposibleng mag sawa ka sa taong laging nandyan.”
Pero hindi niya alam na sa likod ng pagiging "laging nandiyan" ni Chester, may kasamang tahimik na sikreto. May dahilan kung bakit siya available palagi, kung bakit kaya niyang bumiyahe ng malayo, kung bakit tila wala siyang iba pang obligasyon sa mundo kundi si Kyla lang.
Minsan, tinanong siya ng kaibigan niyang si Yunah.8Please respect copyright.PENANANWJMPD6Oj2
“Ky, sigurado ka ba kay Chester?”
“Bakit naman hindi?”
“Wala lang. Parang sobrang perfect. Laging may time. Wala bang moments na nagiging busy siya?”
Napaisip si Kyla. “Wala e. Actually, kahit kailan ko siya i-text, sumasagot. Kahit madaling araw, kahit tanghali, kahit may lakad ‘yung iba, siya laging present.”
Yunah frowned. “Weird lang. Wala man lang sablay?”
Pero binalewala ni Kyla ang mga duda. Kasi sa panahong iyon, gusto niyang maramdaman na may taong kaya siyang ipaglaban. Kaya siyang piliin kahit ilang kilometro pa ang pagitan. Kaya siyang puntahan, kahit walang dahilan.
At si Chester, ginagawa ang lahat ng ‘yon. Paulit-ulit. Walang palya.
Isang linggo, sinorpresa siyang muli ni Chester. Galing ito sa isang supposedly “family gathering” sa Cavite, pero dumaan pa rin ng Pampanga para lang ihatid sa kanya ang in-order niyang laptop stand online.
“Sabi mo kailangan mo ‘to sa work mo, ‘di ba?” anito habang inaabot ang package.
“Akala ko may family event ka?” tanong ni Kyla, halatang nag-aalala.
“Oo, pero saglit lang ‘yun. Di bale nang mapuyat pauwi, basta mapuntahan kita.”
At iyon na naman siya—napapaniwala. Nahuhulog. Na para bang si Chester ay talagang ipinadala ng langit para punan ang mga pagkukulang ng mga lalaking nauna sa kanyang buhay.
Pero sa tuwing magpaparamdam siya ng pasasalamat o ng pagmamahal, palaging may kaunting pag-aalinlangan si Chester. Hindi ito hayagang nag-aalok ng relasyon. Hindi rin ito nagkukumpirma ng commitment.
“Okay lang bang tayo lang ‘to? Walang label?” tanong ni Chester minsan habang magkasama silang nakaupo sa loob ng kotse.
“Bakit?” tanong ni Kyla, may bahid ng lungkot sa tinig.
“Hindi pa kasi ako handa sa mga expectations ng label. Pero gusto kitang makasama. Gusto kong iparamdam sa’yo na ako ‘yung pinili mo. Kahit walang tawag.”
At si Kyla, muli na namang naniwala.
Kasi minsan, hindi mo kailangan ng label para maramdaman mong importante ka. Minsan, sapat na ‘yung effort. Yung oras. Yung pagdating niya sa mga panahong akala mo, mag-isa ka na lang.
Pero sa bawat araw na lumilipas, sa bawat “nandito lang ako” ni Chester, may tanong na unti-unting lumulutang sa isip ni Kyla:
Bakit nga ba siya laging available?
ns216.73.216.79da2