8Please respect copyright.PENANAfPA3XX1mmS
Hatinggabi. Paubos na ang kape ni Kyla sa tabi ng laptop nang mag-notify ang phone niya.
Messenger: Evelyn Lopez
Hindi agad niya pinansin. Pero sa huli, binuksan din niya.
Kyla, hindi ko alam kung bakit ako nag-message. Hindi ako humihingi ng tawad. Hindi ko rin inaasahang patawarin mo ako. Gusto ko lang sabihin… salamat. Salamat sa pag-alis noon.
Napatigil si Kyla. Hindi niya inaasahan iyon—lalo na mula kay Evelyn. Isang babaeng minsan niyang kinatakutan, kinainisan, at iniyakan dahil sa mga salita nitong tulad ng kutsilyo.
Kung hindi ka umalis, baka mas naging magulo ang lahat. Hindi ako naging mabuting asawa kay Chester. Hindi rin ako naging mabuting babae sa harap mo. Pero salamat. Hindi dahil sa akin. Kundi dahil sa anak ko.
Isang mensahe. Walang emojis. Walang exclamation points. Tahimik. Payapa.
At iyon ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman ni Kyla na… hindi na siya galit.
Hindi na siya sugatan. Hindi na siya nagtatanim. Hindi na siya umaasa ng hustisya.
Tumayo siya. Binuksan ang bintana. Hinalikan ng hangin ang pisngi niya. Tila sinasabing—“tama na ang lahat.”
Hindi na siya sumagot kay Evelyn.
Hindi dahil sa pride.8Please respect copyright.PENANA5Hb5HrCHKq
Kundi dahil tapos na ang usapan.