POV ni Kyla
Akala ko wala akong kailangang pagdudahan.
Kasi si Chester? Maalaga. Ma-effort. Laging nandiyan. Gabi-gabi kaming nagkakausap. Tuwing weekends, kung hindi siya ang dumadalaw, ako ang sinasalubong niya. Minsan nga, sa sobrang lambing niya, iniisip ko kung paano ako sinuwerte ng ganito.
Pero minsan, kahit gaano pa kakumpleto ang mga kilos ng isang tao, may mga detalye pa ring hindi sinasadyang lumulusot.
At ‘yon ang nangyari.
Noong isang gabi, habang naka-video call kami, napag-usapan namin ‘yung huling long ride nila sa Rizal. Masaya siya habang nagkukwento.
“Alas-nuwebe kami umalis, love. Sobrang aga. Ang lamig pa, kaya nagpareserve kami ng kape sa pinakaunang stop,” sabi niya habang ngumunguya ng hopia sa screen.
Tumango lang ako, nakangiti. “Ay oo, ‘yun ba yung may view ng bundok?”
“Oo, ‘yun nga. Tapos after noon, dumiretso na kami sa sampalok lake.”
Pero kinabukasan, habang nagkakape kami sa isang tambayan, nabanggit niya ulit ang same ride, pero ibang version na.
“Sakto kasi tanghali na kami nakaalis noon, kaya init agad sa daan. Wala na nga kaming stopover sa bundok.”
Napakunot noo ako. “Di ba sabi mo kagabi, alas-nuwebe kayo umalis?”
Saglit siyang natigilan. Tapos mabilis na ngumiti. “Ah, ibang ride yata yung sinasabi ko kagabi. Halo-halo na sa utak, love. Sorry, medyo sabog lang siguro ako.”
Tumawa ako nang pilit. “Ah, ganon ba…”
Pero sa loob-loob ko, nagsimulang may kumalabit.
Maliit lang ‘yon, oo. Pwede ngang honest mistake lang. Pero simula no’n, mas naging mapanood ako sa mga kwento niya. Lalo na ‘pag relaxed siya. Doon kadalasan nadudulas ang mga hindi dapat masabi.
Tapos isang gabi, hindi siya nag-update agad. Normally, alas-otso pa lang, nasa call na kami. Pero ngayon, hindi siya makontak hanggang alas-onse.
“Sorry, love. Nakahiga lang. Ang sakit kasi ng ulo ko, tulog agad.”
“Okay lang,” sagot ko, kahit medyo may kirot sa dibdib. “Na-worry lang ako.”
“Sorry ha. Next time, magpaparamdam ako agad.”
Pero kinabukasan, napansin kong may bagong post sa group page ng motor club nila. Ride and Chill daw sa Antipolo. Picture nila—around 7PM.
Eh ‘di ba 8PM pa lang daw, tulog na siya?
Tahimik akong nag-scroll pababa. Wala si Chester sa mismong group pic, pero may sumulpot na candid shot na hawak niya ang helmet niya, nakatalikod. Hindi ko agad pinansin. Baka nga late lang na-upload.
Pero sinilip ko ang timestamp.
7:42 PM.
Ibig sabihin, wala siya sa bahay gaya ng sinabi niya. Hindi rin siya naka-higa. At lalong hindi siya tulog.
Hindi ko siya kinumpronta. Hindi pa. Kasi hindi ko alam kung ready akong marinig ang totoo—kung sakaling may tinatago nga siya.
Pero mula noon, mas naging matalas ang mga pandama ko.
May mga gabi na late siyang mag-message. Minsan 11PM, minsan 1AM. Ang rason niya, “Nakakatulog ako sa sofa, love.”
Pero may isa siyang nasabi na hindi ko makalimutan.
“Pag tahimik na sa bahay, doon lang ako nakakabuhat ng motor parts.”
“Ah, ‘pag tulog na ang mga bata?”
Bigla siyang natahimik.
Tapos sumagot siya ng: “Oo… mga… kapitbahay.”
Kapitbahay?
Hindi ko siya tinanong pa. Pero sa sarili ko, may iniipon akong listahan ng mga salitang hindi tumutugma. At habang dumadami ito, mas lumilinaw ang pattern.
May isa pang gabi na nagkamali siya ng kwento.
“Nakakatuwa nga ‘yung anak ni Jerome, love, nagmano pa sa akin kanina.”
“Ay oo ba? Sa shop mo?”
“Hindi. Dito sa bahay.”
Pero few days ago lang, sinabi niya sa’kin na hindi siya nagpupunta sa bahay ni Jerome dahil malayo. Kaya paano nangyari na biglang andun siya?
Napakagat ako sa labi.
Paulit-ulit. Iba-ibang bersyon ng parehong kwento. Maliit na inconsistencies na dati, hindi ko pinapansin. Pero ngayon, parang puzzle na unti-unting nabubuo.
Isang Linggo ng gabi, habang nag-aayos ako ng mga gamit, napansin kong wala na naman siyang text.
9PM. 10PM. 11PM.
Walang “pauwi na ako, love.”6Please respect copyright.PENANAKi4YX6bX3c
Walang “miss kita.”6Please respect copyright.PENANAX8l3krx32U
Walang kahit ano.
Nag-chat ako. “Love, okay ka lang?”
Walang reply.
Pasado alas-dose, sumagot siya. “Sorry, tulog ako kanina. Napagod sa shop.”
Pero ilang minuto lang, may nadinig akong bata sa background. Sigaw, kaluskos. Tunog cartoon sa TV.
“Tulog ka?” tanong ko.
“Oo, kanina. Pero nagising din. Nagugutom ako.”
Pero sa tenga ko, hindi siya mag-isa. May tunog ng pinggan. May batang nagsabi ng “Mama, asan ‘yung juice?”
Nanlamig ang kamay ko.
Hindi ko alam kung nagpa-panic lang ako o guni-guni lang lahat ‘to.
Pero may iniwang latay ang hinala: “Sino’ng kasama mo talaga?”
Hindi ko siya kinumpronta pa rin. Hindi pa ako handa. Hindi pa buo ang ebidensya. At ayokong ma-misinterpret lang.
Pero nagsimula na akong umatras kahit kaunti.
Bumibili na ako ng tahimik na distansya.
Pag inaaya niya ako lumabas, minsan hindi na ako sumasama.
Pag binabati niya ako ng “Good morning, wifey,” sinasagot ko na lang ng simpleng “Hi.”
Ayoko munang maging harsh. Pero gusto ko munang panoorin kung gaano siya ka-consistent kapag hindi na ako masyadong invested.
Gusto kong makita kung sino talaga siya kapag hindi ako masyadong available.
At higit sa lahat, gusto kong malaman kung totoo ba ang mga salitang “ikaw lang” mula sa isang lalaking tila may dalawang mundo.
Isa para sa akin.
At isa para sa isang pamilyang hindi niya binabanggit.
ns216.73.216.79da2